Detalhes

  • Última vez online: 4 dias atrás
  • Gênero: Masculino
  • Localização:
  • Contribution Points: 0 LV0
  • Aniversário: October 25
  • Papéis:
  • Data de Admissão: janeiro 3, 2020
Completados
Caro Locatário
1 pessoas acharam esta resenha útil
Abr 3, 2021
Completados 0
No geral 9.5
História 9.5
Acting/Cast 9.5
Musical 9.0
Voltar a ver 9.0

Ang Angas Pre

HUWAG MANGHUHUSGA BASTA BASTA. tip ko lang kung papanoorin mo ito, lahat ng aksyong ginagawa natin ay may kwento. Makinig muna bago ka manghusga sa isang tao. ika nga nila "maraming namamatay sa maling akala" mahahalintulad ko ito rito sa mga drama natin sa Pilipinas dahil kustodiya ng anak ang pinag uusapan dito. Pero as usual mas may kalidad naman ito kaysa rito. Ano kanyo? MAY EMOSYON. Ramdam na ramdam mo ang mga bawat karakter sa istoryang ito. Yun lang naman basta maganda to, recommended para sa lahat.
Esta resenha foi útil para você?
Completados
The Odd Family: Zombie On Sale
0 pessoas acharam esta resenha útil
Abr 18, 2021
Completados 0
No geral 9.0
História 9.0
Acting/Cast 9.0
Musical 7.0
Voltar a ver 10
Esta resenha pode conter spoilers

Hindi na masama

Zombie movie, wala talagang huhusay sa mga korean kapag zombie movies ang pinag usapan. Kung ang hanap mo ay "action" comedy at may "romance" aba ito ang bagay sa iyo, siguradong ikaw ay hahalakhak dito sa palabas na ito.

Umpisa pa lang ng palabas na ito ay nakakatawa na, buong palabas ay hindi ako nawalan ng ngiti habang pinapanuod ko ito. Tapos ito pa, biruin mo saan ka makakakita ng isang gwapong zombie diba? Napakagwapo kasi hahahahahhaha anyways, ayon nga pag ikaw ay nalulungkot or may problema subukan mo ito panoorin kahit papaano'y ika'y liligaya.
Esta resenha foi útil para você?
Completados
SKY Castle
0 pessoas acharam esta resenha útil
Abr 17, 2021
20 of 20 episódios vistos
Completados 0
No geral 10
História 9.5
Acting/Cast 10
Musical 10
Voltar a ver 10
Esta resenha pode conter spoilers

Mabuhay!

Mabuhay! Maligayang pagdating sa SKY CASTLE kung saan makikilala mo ang mga mayayamang pamilya, respetado sa kani kanilang larangan at matatalinong bata.

Ganda ng intro no? maituturing mong isang paraiso ang kanilang subdivision, PERO may isa kang kailangang gawin para manirahan at manatiling respetado, ano iyo? ang MAGSINUNGALING. siyempre sino ba ang gustong pagtawanan, laitin ng kapwa niya kapit bahay kapag nalaman nilang ikaw ay galing sa iisang pipitsuging pamilya, at nag aral sa di kilalang pamantasan diba? May panghahawakan kang dignidad. At ang dignidad na iyon ay hindi mo ipapa apak sa ibang tao.

Habang pinapanuod ko ito mga unang episodes ay nakakatawa siya, light mood pa eh yung tipong nagpapataasan sila tapos as usual may taga sulsol para magka iringan silang mga magkakapamilya, pero nagbago ang lahat nung namatay yung nanay ni myung joo at nung pumasok na sa eksena ang tutor at doon na nagkanda letse letse idagdag pa natin yung paglipat nina soo im. Grabe nakaka stress itong palabas na ito pero worth it naman siya panoorin, marami kang matututunang aral dito. base nga sa kanilang ost na we all lies. Tama nga naman din kailangan nating magsinungaling para magkaroon ng katotohanan. Ang tanong, masama ba ang magsinungaling? pero bago mo masagot iyan, ano ba ang tama at mali? ano ba ang batayan para masabing tama iyan at mali ito at vice versa.

Tapos relatable siya saakin kasi ang kuya ko ay nag stop ng pag-aaral and pag nag aask ang mga friends ni mama ay sinasabi niya na ayon nag aaral pa rin kuno. hindi naman ikinakahiya ni mama si kuya pero ayaw niya lang kasing siguro na pag usapan pa ng mga kaibigan niya diba? ako naman ay naiinis pero pinagbibigyan ko lang, hoy ang hirap kaya ng ganon kailangan mong magsinungaling para lang sa ikabubuti ni kuya diba. Well kayo na manghusga kung mali ba iyon o tama.

Leia Mais

Esta resenha foi útil para você?
Completados
The Silent Forest
0 pessoas acharam esta resenha útil
Abr 14, 2021
1 of 1 episódios vistos
Completados 0
No geral 9.0
História 9.0
Acting/Cast 9.5
Musical 9.5
Voltar a ver 7.0
Esta resenha pode conter spoilers

Mapapa Jusko ka na lang

Hayy grabe itong palabas na ito. Isipin mo isa lamang itong pagsasadula na kung papaano nagaganap ang kahalayan sa kanilang paaralan. Paano pa kaya yung mismong mga tao na sangkot. Ilang taon, araw ang kanilang tiniis para lamang maisiwalat ang mga hindi kanais nais na nagyari. 170 ang na sexual abuse at mga bata pa. At ito pa matindi riyan. HINDI LAMANG NUMERO ANG MGA YAN, KUNDI TAO YAN PRE, TAO ANG MGA YAN. Jusko naman. Di ko kinaya ang pelikulang ito, paano pa kaya yung mga totoong taong sangkot diba? Kumusta pa kaya sila? Hayy. Lahat sila ay mga biktima ng kahalayan, hindi natin masisisi ang mga bata. Ang dapat sisihin ay ang taong nagsimula ng iyon. Kung hindi niya ginawa yon sa bata na si Xiao hindi niya gagawin yon sa kapwa niya estudyante, Tang ina ni Mr Weng walang awa hayop, di ko masikmura ang ginawa niya. Nakakakilabot. Ayoko na isipin pa, napapadasal na lang ako kay AMA kapag naiisip ko. At buti naman may matino tayong karakter na si Mr Wang, talagang desperado siyang tulungan ang mga bata sa mga nakakatindig balahibing nagyayari eh.

Gusto mo bang panoorin? Go lang panoorin mo para malaman mo kung papaano ba nangyayari ang mga ganito, bakit nangyayari ang mga ganito. Para magkaroon ka ng ideya na, may mga nangyayari talagang hindi natin maintindihan kapag hindi natin inintindi.

Leia Mais

Esta resenha foi útil para você?